Blessed ♥
Jai. Hilig kong gumala at magkwento. Mababaw lang ang kaligayahan at parang walang bukas kung tumawa.
PS: Kinaganda ko pala ang pagsusuot ng braces at salamin.

Visitor Counter Since:
04-04-2013


Sabi nila, kung magpupunta ka ng Palawan, wag na wag mo kakalimutan ang mag-Underground River. Well, no wonder kung bakit nasama ito sa 7 wonders. Ang ganda talaga e. Tapos, bonus na yung Ugong Rock kung saan makakarinig ka ng mga batong may tunog pag kinatok. Yeah. #Palawan #Day2 #YFCIcon #YFCRevival

Sabi nila, kung magpupunta ka ng Palawan, wag na wag mo kakalimutan ang mag-Underground River. Well, no wonder kung bakit nasama ito sa 7 wonders. Ang ganda talaga e. Tapos, bonus na yung Ugong Rock kung saan makakarinig ka ng mga batong may tunog pag kinatok. Yeah. #Palawan #Day2 #YFCIcon #YFCRevival

Wednesday, March 26, 2014

It was a twisting, turning road that lead to the end of the aisle, and not everything along the way was perfect. To be honest, not everything to follow would be perfect, either - but what is? Here’s the secret, kids. None of us can vow to be perfect, in the end, all we can do is promise to love each other with everything we’ve got. Because love’s the best thing we do. And on that lovely spring evening, that’s exactly what Barney and Robin vowed to each other. And it was legendary.

Wednesday, March 19, 2014

2nd Annual Review and Planning Conference of the Philippine National Aquasilviculture Program

Simula March 11 hanggang March 13, ipinatapon ako sa Pagbilao, Quezon para umattend nung title sa taas.

Sa pag-aatend ko sa nasabing conference, bukod sa marami akong natutunan, meron din akong mga nakilala at nabiling pasalubong para kina Mama.

Uunahin ko na siguro yung natutunan. Alam niyo ba, bago ka mag-collect ng propagules ng mangrove para itanim, may basis kung pwede ng i-collect yun? At ito yung parang may lawit na dun sa brown. For better illustration, tignan ang litrato.

image

Nakita niyo yung may bilog? Pag may nakita na kayong ganun, yun na yun. Pwede na yun i-collect para itanim.

Isa pa sa mga nakadagdag ng kaalaman ko dun ay ang pag-dedesign ng aquasilviculture. Alam niyo ba na hindi lang basta-basta dinedesign ito? May tinatawag na 60:40, 70:30 at 50:50 kung saan nahahati ito sa dami ng mangrove at sa dami ng tubig. Nagets niyo ba? Basta. Yun na yun. Hahahaha.

Pagdating naman sa new found friends, ang litrato na to ay kuha ng taga-Region 6. Kaya raw nila kami pinicturan kasi pareho raw kami ng lakad. K.

Siya si ate Rale, FRMD Staff ng Region 6.

At ang pinakapaborito ko sa lahat ng naiuwi ko galing sa conference na to ay ang yema cake na nabili ko dahil naniniwala ako sa kasabihang "minsan lang ako mapunta ng Quezon kaya kailangan may yema cake akong dala pauwi

Sobrang saya lang ng experience ko sa Pagbilao kahit nakakayamot lang talaga pag naliligo dun kasi may E.Coli yung tubig. Basta, may kulay. HAHAHAHA.

Looking forward ako na makarating ulit ng Quezon. :)

Friday, March 14, 2014

bertongputik:

Ito ang isa sa mga pinakatumimo na mensahe na natanggap ko ‘nung birthday ko. Part 2 ng dedication para sa’yo. GINUSTO MO ‘TO! Haha!

Hi Beh. Gulat ka no?

Akala mo ako talaga ang kasama mo. Akala mo, sa akin mo ilalaan ang isang araw ng buhay mo. Well, akala mo lang yun. Pinaasa lang kita. Yan tayo e, hilig kasing umasa. JK. Anyway, ito na pala ang regalo ko sayo. Wag ka ng manghingi ng video na merong ding mga bumabati okay? Wag mo na ko pahirapan. Busy akong tao. HAHAHAHA. Joke ulit. Medyo sabaw kasi ko habang ginagawa ko to so pasensya ka na.


Advance happy birthday sa nag-iisang boy-friend ko na hindi ako iniwan. Yung nandyan tuwing may aches ako sa buhay. Heartache, stomachache at brainache. What. Yung nagmamahal sakin kahit ang baduy pa ng itsura ko. Yung aayusan ako kasi ang haggard ko na. Yung kahit magtabi pa kami sa kama eh alam mong hindi ka gagalawin kasi hindi kayo talo. Yung kasama mong manglalait lalo na dun sa pinalit sayo ng ex mo. Ang panget naman kasi talaga. HAHAHAHA. Yung kasama mong gagala kahit luhaan, sugatan at di mapakinabangan na yung bulsa ng bawat isa. Yung papatawanin ka. Yung papayuhan ka. Yung ipaparamdam sayo na hindi ka nag-iisa.

Beh, hindi ka lang basta boy-friend sakin. Parang kapatid na nga kita e. Older brother, ganun. Alam mo naman kasi kung bakit diba? Panganay ako tapos naaalala mo pa sakin yung kapatid mong mas bata sakin. Oh diba? Isn’t is amazing? Isn’t surprising? Isn’t it? Hahahaha.

Sa lahat ng ginawa mo para sakin, ito na siguro yung pinaka maigaganti ko. Yung makasama mo yung isang tao na espesyal at malapit sa puso mo. Yung taong bukod sa pag-akyat ng bundok eh naging dahilan ng pagtibok ng puso mo. NAKS. Ang cheesy. Pero suportado ko sayo. Alam ko namang ito yung magpapasaya sayo. Basta wag ka lang lalapit-lapit sakin pag umiyak ka ah. Tatampalin ko talaga yang kasama mo tapos ikaw eh dadalhin ko na lang sa Love Desserts at gagawin kitang baboy. Okay? Basta, may basbas ko na kayo. Hahahaha.

Feeling ko ang haba na talaga nito so gusto ko lang talaga iwan sa inyo bago matapos ang letter/message na to, i-enjoy niyo lang yung moment. Gusto ko, uuwi kayo na may masayang kwento at memories together. Maghihintay ako sa kwento niyo.

Happy 436515262th Birthday Beh! I love you

Pabalik pa lang sa pagiging awesome dahil nagmomove on,
Jai <3


Kumo-quota ka na masyado sa dedication. Pwede na ‘yan. Bukas, baka ang URL ko na rito, parasanagmamagandangsijaira.tumblr.com. HAHAHA! Matuwa ka, please? :)

Leche. Hahahaha. Masaya at natutuwa ko dito. Swear. *Insert punong-puno ng feelings here*

Na-*e**o* *i**l ka na ba?

bertongputik:

Disclaimer: Bago simulan ang pagbabasa ng post na ito, maaari lamang na huwag mag-react nang hindi nararapat. Bawal ang sensitive sa ngayon. Kita mo, kaya nga nilagyan ko ng asterisk e. Para mas halata. Lels ~

Simulan natin ang post na ito sa kalokohang ginawa ng pinakamamahal kong girl friend. Si Jaira. 


March 9. Linggo. Alam kong isang buwan mong inisip ang surpresahin ako para sa birthday ko. ‘Yun nga lang, inexpect ko ang lahat. Maliban sa naging takbo ng plano mo talaga.

Pupunta si Lanz. Sasabihin niya na hindi ka pupunta. Papaniwalain nyo ‘ko. Pupunta kami ng Enchanted Kingdom. Tapos pagbaba namin ‘dun, nag-aabang ka para batiin ako.


Shet, hindi ito ang nasunod. Pero tulad ng sinabi ko sa’yo, gusto man kitang isumpa sa ginawa mo, hindi ko maiwasang sambahin ka. Isa ka sa mga Panginoon ko ngayon.

Pero iba ang topic ng post na ‘to.

Last Wednesday. Birthday ko.

(verbatim)

Jai: Dear beh. Ano bang meron ngayon at parang naalala kita bigla? :)
Me: Kasi naaalala mong gumawa ka ng video para sa isang tao at ayaw mo siyang gawin para sa akin.
Jai: Ayoko ma-stress. Busy ako.

Hanggang sa ngayon, hindi mo pa rin talaga ako binabati. Lagi mo kong binabara. Hindi ka nagpapakita for the past few weeks. Anong meron? 

Nagkasequel ang lahat ng mga tanong na ito. Na-Janine Tugonon. Na-Chito Miranda. Na-Wally Bayola. Maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan ngayon. Hindi ka na rin ba magpaparamdam? Tapos after a few weeks, iba-block na ba kita sa Twitter at i-unfriend sa Facebook? Magstatus na rin ba ako sa Facebook at magti-tweet sa Twitter tungkol sa pagkakaibigan? Na-*e**o* *i**l na rin ba ako?

Alam ko na kapag nabasa mo ‘to, matatawa ka. Ang sama ng ugali mo. HAHA! Pero alam kong magpapakita ka pa sa akin. Malaki ang ipagpapasalamat ko sa’yo. Kung hindi dahil sa’yo, papaniwalain ko na naman ang sarili kong putok sa buho lamang ako. Pagpasensyahan mo na, alam mong hindi kita malilibre sa Shakey’s. Pero kahit ‘yung Mojos man lang, maibigay ko sa’yo.

Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin na batiin mo ako. Hindi na rin ako humihingi ng video, alam kong hindi mo na gagawin ulit ‘yan. HAHA! Isa ka talagang tunay na kaibigan. Suportado ka sa lahat ng mga gawain ko. Alam mo kung anong magpapasaya sa akin. Ikaw nga talaga ang nag-iisang girl friend ko. :)

Hindi ko pa rin sasabihin kung anong meron kasi wala naman talaga. Natatawa pa rin ako forevermore. See you sa Monday. :)

Le Thesismates during Graduation.

Late na tong post ko. Mga 10 months na pero gusto ko lang talaga magpasalamat sa mga to.

Sa cramming.
Sa petiks.
Sa pagiging late.
Sa pagpupuyat.
Sa bonding moments. 

Speechless na ko e. Basta, thank you. :)

Weirdest Dream Ever.

Disclaimer: Ang title ng blog na to ay hango sa kantang Best Song Ever ng One Direction na isa sa mga forever LSS ko. Pero tugma rin ang title sa talagang laman ng blog post na to. Shall we start? :)

Nagsimula ang lahat ng katarantaduhang ito nung makita ko ulit ang ex ko sa office kahapon. Nakatambay ako kasama yung isa ko pang officemate sa may puno. Maya-maya, may kumakaway na sa malayo. Dahil poor eyesight ang lola niyo, hindi ko matanaw kung sino yun. Edi tinanong ko sa kasama ko kung sino ba yun. Ang sabi, yung ex ko raw. Ang sabi ko naman ay wala akong makita kasi nga poor eyesight ako.

Paakyat na ulit kami ng kasama ko nung nakita namin ulit siya. Sa pangatlong beses na nagkita kami after ng break-up, ngayon ko pa lang siya ulit pinansin. Ganda ko e. Charing. Hahaha. Then tapos na.

Tapos na ang working hours. Uwian na. Gustong-gusto ko na talaga makipagsex sa kama ko kasi pagod na talaga ko dahil hindi ko pa nababawi yung pagod ko nung nagpunta ko sa Quezon at the same time yung puyat dahilnag-inom kami nung Thursday.

Nakarating na ko ng bahay. Nagpahinga ng kaunti. Nagpalit ng damit at natulog.

- - -

Nakita ko na lang ang sarili ko sa bahay. Nagulat ako kasi nandun din yung ex ko. Magkahiwalay kami ng upuan. Maya-maya, tumabi siya sakin tapos bigla siyang nagsalita. "Hindi pa tayo nag-uusap ah." Dahil nagmamaganda ko, hindi ko siya pinansin. Nagsalita na naman siya at nagsimula na siyang magpaliwanag. Pinakinggan ko siya. Naging okay na ang lahat. Hinihingi niya ulit ang number ko para makapag-simula ulit kami at least as friends. Hindi ko binigay. "Palit-palit ka pa kasi ng number e. Bahala ka dyan." Yan pa ang sinabi ko sa kanya pero natawa lang siya. Then nag-separate ways na kami ng masaya.

- - -

Sabi nila, ang tao raw, maraming nagiging panaginip. Yung iba, nakakalimutan nila. Yung iba, nareretain sa isip nila lalo na’t ito yung pinaka-recent na napanaginipan mo.

Ang panaginip din, either ito yung reflection ng gusto mo o yung reality. Mga pangarap at unsaid thoughts sa isip mo. At itong panaginip kong to, ito siguro yung talagang hinihingi ng isip ko kahit ideny ko pa.

Sunday, March 9, 2014

What happened last 2013?

bertongputik:

2013 has been quite a year for me. Sa sobrang dami ng nangyari, pakiramdam ko tuloy, para akong sumakay sa isang rollercoaster - may time na natatakot ka, na-eexcite ka, natatawa ka, naiiyak ka. Ano pang hinhintay natin?

'Eto ang ultimate flashback. 

During the first quarter of the year, stressed at excited ako. Ito ang mga panahon na inakala ng buong mundo na gagraduate ako. Kahit ako, inakala ko rin naman. (Masakit talagang umasa.) Isa lang ang routine na ginagawa ko. THESIS. ARAL. THESIS. ARAL. GALA. THESIS. ARAL. THESIS. ARAL. Repeat until it fades or until sawa ka na. Binili ko na rin lahat ng kailangan ko sa graduation. Nang dumating ang araw na ito.

April 24, 2013. Good news. Sa sobrang pagmamahal sa’yo ng UP, gusto ka pa niyang makapiling ng isang taon pa. Ito ang mga panahong sobrang lungkot ko. Dala ng matinding disappointment na naranasan ko sa mga araw na ‘yun. Pero a week after, natutunan ko rin tanggapin. ‘Yun lang, kailangan kong i-face ang consequences. 

Dito ko naranasan ang hirap ng isang estudyanteng nagtatrabaho para buhayin ang sarili niya. Nag-apply ako sa isang call center company. Hanggang ngayon, dun pa rin ako nagtatrabaho.

June ang rurok ng social life ko. Nagsimula ‘to sa pagsama ko sa PPKT 3. Oo, alam kong alam mo ang PPKT kaya hindi ko na dapat ipaliwanag ‘to. Though naging facilitator ako ng TSAMU 2013, iba ang karismang dinala ng PPKT. ‘Dun ko naramdaman ang ibig sabihin ng salitang sharing. Buong akala ko, boyfriend lang ang pwedeng i-share. Nagkamali pala ako.

What made PPKT special? It’s the bonding between the bloggers. Sobrang thankful ko na nakilala ko kayo. Say Hi! Okay. Isa-isahin natin!. Hello po kay Kin, Kuya Ran, Ate Melai, Jake, Madam Gem, Vernon, Jaira, Kurt, Danica, Pot, Sir Ralph, Kuya JD, Jeck, Kuya Daniel, Kiper, Nabi, Ced, Ate Lovely, Ate Lorna, Botels, Cha, Kuya Josept, Kian, Kuya San, Jeuliette, Jem, etc. (Na-realize kong too many to mention pala.) Sa sobrang clingy natin, nagawa nyo akong mag-resign sa una kong trabaho at halos inaraw-araw na natin ang Fancy. Nagawa rin nating akyatin ang bundok ng Daguldol. Marami tayong nagawa  na kakaiba kaya sobrang thankful ako.

Gusto kong kunin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa pangalawang babae sa buhay ko. (Sorry Ma’am. May nauna kasi.) HELLO JAIRA MOLINA! Hindi na ako magpapaka-clingy). You know that I love you naman Alam ko namang magkakasama pa rin tayo sa lahat ng mga kagaguhan at kalokohan natin. At may ire-remind pala ako. Kailangan mo nang sundin ang diet plan na nahanap ko sa internet. (Refer to this website: angtabatabamonajairamolina.com)

Ituloy ang countdown. Sa mga sumunod na araw ng 2013, made-describe ko ang buhay ko na busy. Busy sa trabaho, busy sa aral. Naiba lang nang kaunti ang lyrics ng kanta ko kanina. TRABAHO. ARAL. TRABAHO. ARAL. ORG. ORG. TRABAHO. ARAL. TRABAHO. ARAL. Isabay sa saliw ng Ice Ice Baby. 

Wala ka nang social life. Wala ka pang lovelife. May nakalimutan pala ako. Naaalala ko bigla ang mga nangyari ‘nung February. Yes naman! First Valentines Date ko ever ‘yun. Pero ‘yun lang, medyo binigyan ako ni Kupido ng trauma dahil sa nangyari. Again, life revolves in a principle. MASAKIT UMASA.

Paano ko ba isa-summarize ang taon na ito? TAONG PUNO NG HUGOT. Pero naging masaya ako. Marami akong natutunan sa mga naranasan ko. Lahat ng aspeto - personal, social, emotional, mental, at kung anu-ano pang may -al sa dulo. 

Ngayong 2014, gusto kong dalhin ang mga bagay na natutunan ko at i-improve ang sarili ko. Sabi ko nga sa isang article na ginawa ko, you always have to win the game. Life is like a chess. Every move you make requires careful planning and effective strategy. Whatever happens, adapt and in the end, you have to conquer your goal.

Paano ba ‘yan? Share pa rin tayo ng kwento sa 2014 ha? Maraming salamat! HAPPY NEW YEAR! <3

Gilbert Baltazar (bertongputik)

Sira yung tracked tags ko to the point na ngayon ko pa lang to nabasa kung hindi ako nagbackread sa blog ng taong to. OMG.

Bhe, i love you. :* Yan na yun. Hahahaha.

Sunday, March 2, 2014

LORD, SALAMAT PO SA OPPORTUNITY.

Isa sa mga prayers ko kay Lord ay hayaan Niya lang mag-fire up yung service ko sa Youth For Christ kasi minsan na kong nawala. Yung pagkawala na taon ang binilang bago makabalik.

Masarap sa feeling magserve. Pero mas masarap sa feeling na ginamit ka ni Lord para makapagtalk at magspread ng word Niya.

Nung araw na binigay sakin yung librong hawak ko sa picture at sinabing magtatalk daw ako para sa 3rd General Assembly, gulat na gulat ako. Paano, first time ko e. Masaya na kasi talaga kong umaattend lang ng activities o kaya ay minsan taga-gawa ng backdrop at magrender ng technical assistance. Pero yung magsalita sa harap, yung ipapalaganap mo yung word ni God, ibang level na yun.

Puno ko doubts sa sarili ko. Binasa ko kasi yung talk at speaker’s profile. About sa humility. Hinding-hindi talaga ko yung nasa speaker’s profile e. Hindi ako ganun kahumble. There are times na I brag everything I have. Wala kong preno tapos ganun yung topic na ibibigay sakin? Yung totoo?

Ilang araw na ang lumipas, hindi ko pa rin talaga naaaral ng maayos yung talk ko. Marami pa ring doubts hanggang sa oras na lang yung natitira bago ko magtalk. Doon pa lang ako nagseryoso ng aral hanggang pumasok ako sa realization na baka naman kasi binigay sakin to ni Lord kasi gusto Niya kong mang-inspire ng mga kasama ko sa YFC. Baka gusto Niya, ikwento ko yung mga ginawa ko nun pero in a humble way.

Oras na ng talk. Hindi ko talaga alam kung paano magsisimula. Ang tahimik nila. Pakiramdam ko magiging boring ang lahat. Sabi ko bahala na. Ginawa ko lang yung tingin kong dapat gawin. Lumabas lang naturally lahat sa bunganga ko. Nagkwento lang ako.

Natapos ang talk ko. Okay naman para sa isang first timer. At umaasa ako na may napulot sila sakin.

Alam kong hindi pa to ang last. Basta Lord, salamat po sa opportunity.

Photo credits: Patlee

Wednesday, February 26, 2014

Sa kabila ng lahat ng nangyari, nabigyan pa rin ako ng chance na ngumiti at sumaya. Hindi lang dahil sa mga kaibigan kundi dahil sa isang tao na hindi ko naman ineexpect na dadating. At dahil dyan, gusto ko lang magpasalamat sa kanya. Sa lending ears, sa tawanan at sa pagpaparamdam sakin na hindi ako nag-iisa. Maraming salamat. :)

 
Next page